Make your own free website on Tripod.com

Anak Freddie Aguilar

 

N`ong isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo

At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang Nanay at Tatay mo`y Di malaman ang gagawin

Minamasdan pati pag-tulog mo

 

At sa gabi napupuyat ang iyong Nanay Sa pag-timpla ng gatas mo

At sa umaga nama`y kalong ka nang iyong Ama Tuwang-tuwa sa `yo

 

 

Ngayon nga`y malaki ka na At nais mo`y maging malaya

Di man sila payag walang magagawa

Ikaw nga`y biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila`y sinuway mo

 Di mo man lang inisip Na ang kanilang ginagawa`y para sa `yo

Pagkat ang nais mo`y masunod ang layaw mo, Di mo sila pinapansin

 

Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo`y naligaw

Ikaw ay nalulung sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan Ang `yong Inang lumuluha

At ang tanong anak Ba`t ka nagkaganyan

 

At ang iyong mga mata`y Biglang lumuha nang di mo napapansin

Pagsisisi ang sa isip mo`t nalaman mo ika`y nagkamali

Pagsisisi ang sa isip mo`t nalaman mo ika`y nagkamali

Pagsisisi ang sa isip mo`t nalaman mo ika`y nagkamali.